Ayon sa Xinhua News Agency, ipinahayag noong Huwebes, Enero 14, 2016, ng panig pulisya ng Indonesia na 7 katao ang namatay, at 17 iba pa ang sugatan sa insidente ng pagsabog na naganap nang araw ring iyon sa Jakarta, kabisera ng Indonesia.
Pinabulaanan naman ni Anton Charliyan, Tagapagsalita ng panig pulisya ng Indonesia, ang balitang umano'y naganap nang araw ring iyon ang maraming pagsabog sa Jakarta.
Sa isa namang pahayag na ipinalabas ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia, sinabi niya na ang naturang pananalakay ay isang teroristikong pananalakay.
Salin: Li Feng