Ayon sa Xinhua News Agency, idineklara kahapon, Enero 17, 2016, ng United Nations (UN) Security Council na alisin ang sangsyon laban sa dalawang bangko ng Iran na kinabibilangan ng Bank Sepah at Bank Sepah International. Noong taong 2007, nailakip ang naturang dalawang bangko sa listahan ng sangsyon ng UNSC.
Ipinatalastas noong Sabado, Enero 16, 2016, ni Yukiya Amano, Direktor-Heneral ng International Atomic Energy Agency (IAEA), na ayon sa ulat na ipinalabas nang araw ring iyon ng IAEA, natapos ng Iran ang kinakailangang paghahanda para tupdin ang komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran. Ito aniya ay sumasagisag ng pormal na pagpapatupad nang araw ring iyon ng nasabing kasunduan, at aalisin ng komunidad ng daigdig ang mga may-kinalamang sangsyon laban sa Iran.
Salin: Li Feng