|
||||||||
|
||
Pormal na nagbukas nitong Sabado, ika-16 ng Enero, 2016 sa Beijing ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB). Binigyan ng positibong pagtasa ng mga opisyal at iskolar ng mga bansang ASEAN ang pagbubukas ng naturang bagong multilateral na organong pinansyal.
Sinabi ni Maung Maung Thein, Pangalawang Ministro ng Pananalapi at Buwis ng Myanmar, na tinataya ng kanyang bansa na magiging mainam ang prospek ng AIIB. Aniya, ang AIIB ay isang mapagkakatiwalaang bangko, at kakatigan nito ang pag-unlad ng rehiyon.
Ipinahayag naman ni Wisudhi Srisuphan, Pangalawang Ministro ng Pananalapi ng Thailand, na tutulungan ng AIIB ang pamahalaang Thai na baguhin ang kasalukuyang kalagayan ng mababang lebel ng logistics, at di-sapat at di-mapagkakatiwalaang electric grid. Makakatulong aniya ito sa pagpapataas ng kakayahan ng produksyon ng Thailand at kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Ipinalalagay naman ni Ibrahim Yusuf, Tagapangulo ng Indonesian Council of World Affairs, na pasusulungin ng AIIB ang pag-unlad ng imprastruktura ng Timog-silangang Asya at Timog Asya, at umaangkop ito sa "Belt and Road" Initiative ng Tsina. Dagdag pa niya, mabagal ang pagbangon ng kabuhayan ng Indonesia, ang pag-unlad ng imprastruktura ay hindi lamang magiging bagong growth point ng kabuhayan ng Indonesia, kundi mapapababa rin ang logistics capital ng mga produktong Indones, at mapapataas ang kakayahang kompetetibo ng pagluluwas.
Ayon naman kay Chen Gang, Mataas na Mananaliksik ng East Asian Institute ng National University of Singapore, na tiyak na magsisilbing positibong puwersang tagapagpasulong sa paglago ng kabuhayang pandaigdig ang AIIB.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |