Sa isang regular na preskong idinaos kahapon, ipinahayag ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagpapalakas ng panig Amerikano ng pagdedeploy na militar at pagpapasulong ng militarization sa rehiyon, ay hindi nakakabuti sa komon at pangmalayuang kapakanan ng mga bansa sa rehiyong ito.
Ani Hua, sa kasalukuyan, nananatiling mapayapa at matatag ang situwasyon sa South China Sea (SCS). Umaasa aniya ang nakakaraming bansa na magiging mapayapa, matatag, maunlad, at masagana ang rehiyong Silangang Asyano, at ang paghahanap ng kapayapaan at kooperasyon ay komong pag-asa ng mga bansa sa rehiyong ito at buong daigdig. Sa kalagayang ito, umaasa ang Tsina na gagawa ang mga may-kinalamang bansa ng bagay na talagang nakakatulong sa pangangalaga sa kapayapaan at kaunlaran ng rehiyong ito, dagdag pa ni Hua.
Ipinahayag kamakalawa ng Kagawaran ng Tanggulang Bansa ng Estados Unidos na sa loob ng linggong ito, idedeploy ang maritime patrol aircraft sa Singapore, at posible itong magpapatrolya sa South China Sea.
Salin: Li Feng