|
||||||||
|
||
Haikou, Hainan Province, sa timog ng Tsina—Binuksan dito nitong Lunes, Enero 18, 2016, ang dalawang-araw na symposium na may kinalaman sa pagtutulungang pandagat ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sa ngalan ng Pilipinas, kalahok sa nasabing symposium si Dr. Aileen Baviera, Propesor ng Asian Center ng University of the Philippines, kasama ang mga kinatawan mula sa Tsina at ibang 9 na bansang ASEAN.
Kabilang sa apat na paksa ng symposium ay mga saligang prinsipyo sa larangang pandagat, magkakasamang pagpapasulong ng pagtitiwalaan sa South China Sea, pagpigil at pagkontrol sa krisis, at preventive diplomacy.
Ang symposium na pinamagatang "Partnership for Regional Peace: Operationalising ASEAN-China Comprehensive Strategic Partnership in Southeast Asia" ay nasa magkasamang pagtataguyod ng National Institute for South China Sea Studies (NISCS) na nakabase sa Haikou, Tsina at Center for Strategic and International Studies ng Indonesia. Ito ang ikalawang pagkakataong naidaos ang symposium na ito: ang una ay idinaos sa Jakarta, Indonesia noong Setyembre, 2015.
Si Dr. Aileen Baviera, Propesor ng UP Asian Center (ikalawa sa kanan) kasama ng iba pang kinatawan mula sa Tsina at ASEAN sa Ikalawang Symposium ng Partnership for Regional Peace: Operationalising ASEAN-China Comprehensive Strategic Partnership in Southeast Asia, sa Haikou, Tsina. (Photo source: NISCS website)
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |