Ayon sa Xinhua News Agency, dumalo kahapon, Enero 21, 2016, si Pangalawang Pangulong Li Yuanchao ng Tsina sa taunang pulong ng 2016 World Economic Forum (WEF) na ginanap sa Davos, Switzerland. Bumigkas siya ng talumpati sa espesyal na pulong tungkol sa kabuhayang Tsino at G20 Summit sa 2016.
Sinabi ng Pangalawang Pangulong Tsino na noong isang taon, patuloy na nananatili sa unang hanay ng mga pangunahing ekonomiya sa buong daigdig ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Tsino, at ito ay nananatili pa ring pangunahing puwersang tagapagpasulong sa kabuhayang pandaigdig. Aniya, may kompiyansa at kakayahan ang Tsina sa pagpapanatili ng mabilis na paglaki ng kabuhayan ng bansa. Patuloy aniyang igigiit ng Tsina ang prinsipyong kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon, at win-win situation, upang magkakasamang harapin kasama ng iba't-ibang bansa, ang mga hamon.
Sa pagtatagpo nang araw ring iyon nina Johann Schneider-Ammann, Presidente ng Switzerland, at Li Yuanchao, malaliman silang nagpalitan ng kuru-kuro tungkol sa ibayo pang pagpapalalim ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng