Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at SCO, magkasamang magsikap para mapangalagaan ang katatagan ng rehiyon

(GMT+08:00) 2016-01-28 15:37:04       CRI

Ayon sa China Radio International (CRI), sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing kahapon, Enero 27, 2016, kay Rashid Alimov, bagong halal na Pangkalahatang Kalihim ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), ipinahayag ni Meng Jianzhu, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang kahandaan ng panig Tsino na magsikap kasama ng iba't-ibang kasaping bansa ng SCO, para totohanang mapangalagaan ang kaligtasan at katatagan ng rehiyong ito, at makapagbigay ng puwersang garantiya sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng iba't-ibang bansa.

Pinasalamatan naman ni Rashid Alimov ang puspusang pagkatig ng panig Tsino sa kanya at sa Sekretaryat ng SCO. Ipinahayag din niya ang kahandaang patingkarin ang papel para mapasulong ang mga gawain ng SCO sa iba't-ibang larangan.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>