|
||||||||
|
||
SA pagsisimula ng pagdinig kaninang umaga sa Senado hinggil sa Mamasapano, sinabi ni Senador Grace Poe na sa pagtatapos ng limang public hearing, limang executive sessions, datos mula sa 37 resource persons at may 129 pahinang report, kailangang makatanggap ng bagong ebidensya.
Magugunitang nilagdaan ng 21 mambabatas ang report na nagsasaad na isang masaker at hindi misencounter ang naganap noong ika-25 ng Enero 2015.
Ayon sa mambabatas, lahat ng detalyes ay nasaklaw ng kanilang report at walang anumang pinagtakpan.
Sa kanyang talumpati sa pagsisimula ng pagdinig kanina, kanilang pinagbalik-aralan ang lahat ng impormasyong mula sa mga opisyal ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Moro Islamic Liberation Front at mga kasapi ng gabinete.
Nabatid na nagkaroon ng kakulangan sa intelligence, mahinang pagbabalak at kawalan ng koordinasyon na naging dahilan ng pagkasawi ng may 44 na tauhan ng SAF, 23 Moro fights at limang sibilyan.
Napatunayan ding bilang Command-In-Chief, si pangulong Benigno Aquino III ay nagkulang sa pagbabawal kay dating PNP chief Alan Purisima na napatalsik na sa serbisyo, na magpatakbo ng operasyon bilang paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code.
DATING SAF DIRECTOR, HUMARAP DIN. Nagpapaliwanag si dating SAF Director Getulio Napenas (dulong kanan) sa idinaos na pagdinig ng Senado kanina. Na sa gitna naman si Director Benjamin Magalong at na sa dulong kalliwa si Senador Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. (SENATE PRIB Photo)
Nawala umano ang chain of command sa pamamagitan ni Purisima at SAF director Napenas na dahilan upang malabag ang mga kautusang administratibo at nakagawa rin ng criminal offenses.
Ang mga Americano na naroon sa operasyon ay hindi lamang bilang observers. Naisumite rin ang sipi ng ulat sa Ombudsman upang makatulong sa kanilang fact-finding kasabay ng rekomendasyong panagutin ang mga dahilan ng pagkapalpak ng misyon.
PAGDINIG SA SENADO, ITINULOY. Pinamunuan ni Senador Juan Ponce Enrile ang pagtatanong sa mga opisyal at dating opisyal ng Philippine National Police hinggil sa madugong sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao. Naunang inakusahan ni G. Enrile si Pangulong Aquino na nakababatid sa nagaganap sa pagitan ng mga pulis at mga armadong grupo sa Maguindanao. (SENATE PRIB Photo)
Hiniling ni Senador Juan Ponce-Enrile na buksang muli ang pagdinig. Kung sakali mang magkaroon ng bagong datos sa pagsisiyasat, magkakaroon ng mas malalim na pagtatanong at pagsisiyasat upang makamtan ang katotohanan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |