Natapos ngayong araw, Sabado, ika-30 ng Enero 2016, ang termino ng kasalukuyang pederal na parliamento ng Myanmar.
Sa huling pulong ng parliamento na idinaos kahapon, nanawagan sa bagong parliamento si Ispiker Thura Shwe Mann na patuloy na balangkasin ang mga bagong batas, bilang tugon sa reporma ng bansa.
Tatakbo sa unang araw ng susunod na buwan ang bagong pederal na parliamento ng Myanmar, kung saan mahigit sa kalahati ng mga luklukan ay mapupunta sa mga kinatawan ng National League for Democracy.
Salin: Liu Kai