Kaugnay ng insidente ng pagpasok ng isang guided-missile destroyer ng hukbong pandagat ng Amerika sa karagatan ng Xisha Islands ng Tsina na walang pahintulot, ipinahayag ni Yang Yujun, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulan ng Tsina, na agarang ginamit ng tropang pandagat ng Tsina ang mga katugong hakbangin para imonitor ang mga aksyon ng naturang bapor at paalisin ito sa karagatan ng Tsina.
Binigyang-diin ni Yang na sa pagharap sa anumang probokasyon, gagamitin ng panig militar ng Tsina ang lahat ng mga hakbangin para pangalagaan ang pambansang soberanya at katiwasayan.
Sinabi ni Yang na ang naturang aksyon ng tropang pandagat ng Amerika ay malubhang lumabag sa mga batas ng Tsina. Ito rin aniya ay nakapinsala sa kapayapaan, kaligtasan at kaayusan ng rehiyong ito. Dagdag pa niya, tinututulan ng panig Tsino ang ganitong aksyon.