Sa paanyaya ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, dadalaw sa Tsina si John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, mula ika-26 hanggang ika-27 ng Enero 2016.
Kaugnay nito, ipinahayag Lunes, ika-25 ng Enero 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na magpapalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa relasyong Sino-Amerikano at mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan. Umaasa aniya ang panig Tsino na makakatulong ang nasabing pagdalaw sa pag-uugnayan ng dalawang bansa sa isang serye ng mga mahalagang isyu. Inaasahan din aniya ng panig Tsino na makakatulong din ang nasabing pagdalaw sa pagpapasulong ng koordinasyon at kooperasyon sa iba't ibang larangan, at pagpapasulong ng sustenable, malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Salin: Vera