Pormal na naisaoperasyon Lunes ng umaga, Pebrero 1, 2016, ang Ika-2 House of Representatives (o Mababang Kapulungan) ng Myanmar na pinamumunuan ng National League for Democracy (NLD), at idinaos nito ang kauna-unahang pulong. Nahalal sa pulong ang ispiker at pangalawang ispiker ng Mababang Kapulungan.
Si Win Myint, Miyembro ng Sentral na Lupong Tagapagpaganap ng NLD ay nahalal bilang ispiker, at si Tyi Khun Myao, Miyembro ng Union Solidarity and Development Party (USDP) ang nahalal naman bilang pangalawang ispiker.
Pagkatapos nito, nanumpa sa tungkulin sina Win Myint at Tyi Khun Myao.
Salin: Vera