Ayon sa China Radio International (CRI), ipinahayag sa Beijing kahapon, Enero 19, 2016, ni Korn Dabbaransi, dating Punong Ministro ng Thailand, at Puno ng Samahan para sa Pagkakaibigang Thai-Sino, na lubos na kinakailangan pa rin ng ASEAN ang pagpapalakas ng konstruksyon ng konektibidad ng imprastruktura. Aniya, ang Asian Infrastructure Investment (AIIB) na naisaoperasyon kamakailan, ay angkop sa naturang pangangailangan ng rehiyong ito. Binigyan din niya ng lubos na papuri ang hakbangin ng Tsina sa pagtatatag ng AIIB.
Salin: Li Feng