Sa 2015 Government Working Report, iniharap ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang dalawang pangunahing plano para pasulungin ang sustenableng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina.
Ang naturang dalawang plano ay Made in China 2025 at Internet Plus. Ang naturang mga plano ay itinuturing din bilang mga katugong hakbangin sa ginaganap na ika-4 na industrial revolution sa buong daigdig.
sa pamamagitan ng isang taong pagsisiskap, iniharap kamakailan ni Premyer Li na dapat pasulungin ang mabisang pagsasama ng naturang dalawang proyekto para pasulungin ang magkasamang pag-unlad ng pinansya at tangible economy.
Binigyang diin ni Li na ito ang pangunahing paraan para isakatuparan ang pagbabago ng estrukturang pangkabuhayan, pag-unlad ng kakayahan sa pagpoprodyus at pagbawas ng pasanin ng mga mamamayan.