Sa magkasanib na preskong idinaos Huwebes, Disyembre 17, 2015 sa Beijing hinggil sa ika-20 regular na diyalogo sa pagitan ng mga Premyer Tsino at Punong Ministrong Ruso, tinukoy ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na sa pangangailangan ng pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan, ang pagpapahigpit ng pagtutulungan ng Tsina at Rusya ay makakatulong sa pagpapalawak ng kaginhawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, magpapalakas ng kompiyansa ng mga umuusbong na ekonomiya at umuunlad na bansa sa masalimuot na kalagayang pangkabuhayan ng daigdig, magpapasigla ng kabuhayang pandaigdig, at magpapasulong ng katatatagan at kasaganaan ng daigdig.
Ipinahayag naman ni Punong Ministrong Dimitry Medvedev ng Rusya na mabunga ang kasalukuyang pag-uusap ng Tsina at Rusya. Ito aniya'y nagpapakitang nananatiling mataas ang estratehikong partnership ng dalawang bansa, at malaki ang potensyal na pangkooperasyon sa ibat-ibang larangan.
Damalo rin sa nasabing preskon ang mga Pangalawang Premyer Tsino na kinabibilangan nina Zhang Gaoli, Liu Yandong at Wang Yang, at kanilang mga Russian counterpart na sina Igor Ivanovich Shuvalov, Olga Golodets, at Dmitry Rogozin.