Sa unang sesyon ng bagong Mataas na Kapulungan ng Myanmar na idinaos ngayong araw, Miyerkules, ika-3 ng Pebrero 2016, naihalal si Mahn Win Khaing Than na ispiker ng kapulungang ito, at si Aye Tha Aung na pangalawang ispiker.
Kapwa sila galing sa kasalukuyang naghaharing partido ng Myanmar, na National League for Democracy (NLD) na pinamumunuan ni Aung San Su Kyi.
Nauna rito, noong unang araw ng buwang ito, idinaos naman ang unang sesyon ng bagong Mababang Kapulungan ng Myanmar. Ang ispiker nito ay si Win Myint, galing sa NLD, at ang pangalawang ispiker naman ay si Tyi Khun Myao, galing sa Union Solidarity and Development Party, dating naghaharing partido ng Myanmar.
Salin: Liu Kai