Nag-usap sa telepono kahapon, Biyernes, ika-5 ng Pebrero 2016, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Barack Obama ng Amerika.
Nagpahayag sila sa isa't isa ng bating pang-Spring Festival, o Chinese Lunar New Year.
Kapwa ipinalalagay ng dalawang lider na maraming malaking progreso ang natamo, noong isang taon, sa relasyong Sino-Amerikano. Ipinahayag din nila ang kahandaang patuloy na palalimin ang kooperasyon sa iba't ibang aspekto, at palakasin ang koordinasyon sa mga panrehiyon at pandaigdig na isyu, para pasulungin ang kapayapaan, katiwasayan, at kasaganaan ng dalawang bansa, at buong daigdig.
Salin: Liu Kai