Ayon sa China Radio International (CRI), nang kapanayamin siya ng Reuters sa Munich kahapon, Pebrero 12, 2016, isinalaysay ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang patakaran ng Tsina tungkol sa situwasyon ng Korean Peninsula.
Ipinahayag ni Wang na bilang kapitbansa at bansang may mahalagang responsibilidad sa katatagan ng Korean Peninsula, iginigiit ng panig Tsino ang ilang sumusunod na punto: una, di-puwedeng taglayin ng peninsula ang sandatang nuklear sa anumang kalagayan; ikalawa, hindi dapat lutasin ang isyung ito sa pamamagitan ng dahas, at hindi pahihintulutan ng Tsina ang paglitaw ng kaguluhan sa peninsula; ikatlo, dapat matamo ng kapakanang panseguridad ng Tsina ang mabisang pangangalaga at paggarantiya.
Dagdag pa ni Wang, patuloy na makikipagtulungan ang Tsina sa komunidad ng daigdig para buong tatag na mapasulong ang proseso ng walang-nuklear ng Korean Peninsula.
Salin: Li Feng