Ayon sa China Radio International (CRI), nag-usap sa Munich kahapon, Pebrero 12, 2016, sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos.
Nagpalitan sila ng kuru-kuro tungkol sa, pangunahin na, situwasyon ng Korean Peninsula. Ipinahayag ni Wang na ang muling pagsasagawa ng Hilagang Korea ng nuclear test at paglulunsad ng satellite sa pamamagitan ng ballistic missile technology, ay lumalabag din sa may-kinalamang resolusyon ng United Nations (UN). Ito aniya ay grabeng nakakaapekto sa pandaigdigang sistema ng di-pagpapalaganap ng sandatang nuklear.
Dagdag pa ni Wang, kapwang sinang-ayunan ng Tsina at Amerika na pabilisin ang proseso ng pagsasanggunian sa UN Security Council, at magkakaroon ng isang bagong resolusyon sa lalong madaling panahon para pigilin ang ibayo pang pagpapaunlad ng Hilagang Korea ng planong nuklear nito.
Salin: Li Feng