Kaugnay ng pagpasok ng isang guided-missile destroyer ng hukbong pandagat ng Amerika sa karagatan ng Zhongjian Island ng Xisha Islands, ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinihimok ng panig Tsino ang Amerika na buong sikap na pangalagaan ang pagtitiwalaan ng dalawang panig at katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito.
Sinabi ni Hua na ang naturang bapor na pandigma ng Amerika ay pumasok sa teritoryong pandagat ng Tsina na walang pahintulot. Ito aniya ay lumabag sa mga batas ng Tsina. Kaya ginamit ng panig Tsino ang mga hakbangin batay sa batas para paalisin ang naturang bapor.