|
||||||||
|
||
MAY 25 mga Filipinong manggagawwa ang darating Miyerkoles ng hapon sakay ng Emirates Air Flight EK-332 sa Ninoy Aquino International Airport. Ayon sa Department of Foreign Affairs, ginamit ng mga manggagawa ang Mandatory Repatriation Program ng pamahalaan.
Nagtrabaho sila sa Aleppo at sa Damascus bago nakipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa Damascus. Pansamantala silang nanirahan sa halfway house ng Pilipinas.
Sinagot ng International Organization for Migration sa Damascus ang pamasahe ng mga manggagawa.
Naglakbay sila kasama ang mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Damascus noong nakalipas na Lunes patungo sa Masna'a border. Tinulungan sila ng mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Beirut. Sumailalim din sila sa kailangang medical check-up bago ang paglalakbay pabalik sa Maynila.
Nakauwi na ang may 5.697 mga Filipino mula sa Syria mula ng magkagulo noong 2011. May 2,650 ang nakauwi sa pagdaan sa Lebanon sa pakikiupagtulungan sa mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Beirut.
Nakataas pa rin ang Alert Level 4 sa Syria at ipinatutupad pa ang Mandatory Repatriation Program kaya't nangungumbinse pa ang pamahalaan sa mga Filipino na makabubuting umuwi na sa Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |