Ipinahayag kamakailan ni Ng Eng Hen, Ministro ng Tanggulan ng Singapore, na nagpapatingkad ang Tsina ng mahalagang papel sa proseso ng pagtatakda ng bagong regulasyon ng kaayusang pandaigdig. Nanawagan siya sa Tsina na ipaliwanag sa daigdig ang ekspektasyon nito sa kaayusang pandaigdig.
Winika ito ni Ng habang binabanggit ang pananaw ng Singapore sa pag-ahon ng Tsina at relasyong Sino-Amerikano sa isang diyalogo hinggil sa "Tsina at Kaayusang Pandaigdig" sa panahon ng ika-52 Munich Security Conference.
Tinukoy niyang mahigpit ang ugnayan sa pagitan ng Tsina at sistemang pandaigdig, at gumawa ito ng mahalagang ambag para sa paglago ng kabuhayan ng Asya nitong nakalipas na 10 taon. Batay sa malakas na puwersang pangkabuhayan at militar nito, tiyak na nagpapatingkad ang Tsina ng namumunong papel sa arenang pandaigdig.
Salin: Vera