Ayon sa Xinhua News Agency, sinabi kahapon, Pebrero 19, 2016, ng White House na nag-usap sa telepono nang araw ring iyon sina Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos at Pangulong Recep Tayyip Erdoğan ng Turkey. Tinalakay nila ang tungkol sa situwasyon ng Syria at kanilang kooperasyon ng paglaban sa terorismo sa Syria.
Sa isang proklamasyon, sinabi ng White House na nagpahayag ang Pangulong Amerikano ng pagkabahala sa paglala ng situwasyon sa dakong hilagang kanluran ng Syria. Hinimok din niya ang Turkey at oposisyon ng Syria na agarang itigil ang aksyong nagpapalala sa maigting na kalagayan.
Bukod dito, nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang pangulo hinggil sa magkasamang pagbibigay-dagok sa "Islamic State (IS)."
Salin: Li Feng