Ipinatalastas kahapon, Pebrero 20, 2016, ni David Cameron, Punong Ministro ng Britanya, na idaraos sa ika-23 ng darating na Hunyo ang reperendum hinggil sa isyu ng pananatili ng kanyang bansa sa Unyong Europeo (EU).
Sinabi pa niyang ang naninindigan ang kanyang pamahalaan sa patuloy na pagsuporta sa pananatili ng Britanya sa EU.
Dagdag pa niya, magiging mas masagana, ligtas at malakas ang Britanya kung patuloy na mananatili sa EU pagkatapos ng mga reporma.
Noong ika-19 ng buwang ito, narating ni Cameron at ng ibang mga lider ng mga bansang EU ang nagkakaisang posisyon hinggil sa espesyal na katayuan ng Britanya sa EU. Ang naturang katayuan ay nakatugon sa mga kahilingan ng Britanya sa mga isyung kinabibilangan ng pagbabawas ng mga welfare sa mga imigrant, di-paglahok sa proseso ng mas mahigpit na integrasyon ng Europa at mga hakbangin sa pangangalaga sa mga bansang di-sumapi sa Euro Zone.
Salin: Ernest