Di-pinagtibay kamakalawa, Pebrero 19, 2016, ng UN Security Council (UNSC) ang panukalang batas na iniharap ng Rusya hinggil sa isyu ng Syria. Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ni Dmitri Peskov, Tagapagsalita ng Pangulong Ruso, ang pagkalungkot sa naturang resulta.
Sinabi niyang palagian at maliwanag ang paninindigan ng kanyang bansa sa paggarantiya ng katatagan ng mga rehiyon at bansa, pagbibigay-dagok sa terorismo at pangangalaga sa kabuuan ng teritoryo.
Ipinahayag naman ni Vladimir Safronkov, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Rusya sa UN, na sa naturang panukalang batas, nanawagan ang kanyang bansa na igalang ang kabuuan ng teritoryo at soberanya ng Syria, at itakwil ang anumang plano na posibleng makakasira sa paglutas sa isyung ito sa paraang pulitikal.
Sinabi pa niyang winewelkam ng kanyang bansa ang pagtalakay ng mga kasapi ng UNSC sa naturang panukalang batas.
Salin: Ernest