Dumating kaninang umaga, ika-22 ng Pebrero 2016, ng Norodom Sihanouk Port, Kambodya, ang ika-21 pangkat ng hanay ng naval vessels ng Tsina, para pasimulan ang 5-araw na pagdalaw na pangkaibigan sa Kambodya. Isinalubong ng Hukbong Pandagat ng Kambodya ang maringal na seremonyang panalubong sa komboy na Tsino.
Sinabi ni Yu Manjiang, Komander ng Komboy na Tsino, na ang Tsina at Kambodya ay mahigpit na magpartner at magkaibigan. Sa pamamagitan ng kasalukuyang pagdalaw, ibayo pang mapapahigpit aniya ang pagkakaibigan at pagtitiwalaan ng kapuwa panig, at mapapalawak ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang hukbo.
Sa panahon ng nasabing pagdalaw, magpapalitan ng kuru-kuro ang panig Tsino at Kambodyano tungkol sa relasyon ng dalawang bansa at dalawang hukbo, kalagayan sa paligid na rehiyon, at iba pang isyu.
Salin: Vera