Washington, Amerika—Sa kanyang pakikipag-usap dito noong Martes, ika-23 ng Pebrero 2016, kay John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, inilahad ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, ang paninindigan ng panig Tsino sa isyu ng South China Sea.
Sinabi ni Wang na ang mga isla sa South China Sea ay teritoryo ng Tsina mula pa noong sinaunang panahon. May karapatan aniya ang panig Tsino na pangalagaan ang sariling soberanya at lehitimong karapata't kapakanang pandagat. Samantala aniya iginigiit ng panig Tsino ang pangangasiwa at pagkontrol sa pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo, at pagresolba ng alitan sa pamamagitan ng talastasan. Bilang pinakamalaking bansa sa baybaying dagat ng South China Sea, may kakayahan at kompiyansa ang Tsina, kasama ng mga bansang ASEAN, na patuloy na pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon ng nasabing karagatan, at pangalagaan ang pagtatamasa ng iba't ibang bansa ng kalayaan sa paglalayag, batay sa pandaigdigang batas, dagdag pa ni Wang.
Binigyang-diin din niyang kinakailangan ng magkasamang pagsisikap ng iba't ibang panig ang di-pagmimilitarisa ng Nansha Islands.
Salin: Vera