Washington D. C. Estados Unidos--Kinatagpo nitong Miyerkules, Pebrero 24, 2016 (local time) ni Ed Royce, Tagapangulo ng Komite sa Relasyong Panlabas ng Mababang Kapulungan ng Amerika at iba pang mga representative si Wang Yi, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Tsina.
Kaugnay ng isyu ng Korean Peninsula, ipinahayag ni Wang ang pagtutol ng Tsina sa nuclear test ng Hilagang Korea at ang suporta sa resolusyon ng United Nations Security Council na may kinalaman sa nasabing isyu. Ipinahayag din ni Wang ang pag-asang malulutas ang isyung ito sa pamamagitan ng diyalogo. Ipinahayag naman ng mga representative ang kahandaan na pahigpitin ang pakikipag-ugnayan sa Tsina sa isyu ng Korean Peninsula.
Kaugnay ng pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan, sinabi ng mga representative na Amerikano na bilang dalawang pinakamalaking kabuhayan sa daigdig, makikinabang ang mga mamamayan ng dalawang bansa kung mararating ang kasunduan sa pamumuhunan sa lalong madaling panahon. Ipinahayag din nila ang paghanga sa Tsina sa pagpapahupa ng karalitaan. Inulit ni Wang ang pananangan ng Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad. Nakahanda aniya ang Tsina na magdulot ng pagkakataon sa iba pang mga bansa sa pamamagitan ng sariling pag-unlad.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio