UMAASA pa rin ang mga mangangalakal na magiging maganda ang kalakaran ngayong taon kahit pa mas mababa ang confidence index sa 41.9% mula sa 51.3% sa huling tatlong buwan ng 2015. Nabawasan ang bilang ng mga umaasang maganda ang patutunguhan ng ekonomiya.
Ito ang ibinalita ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa isang pahayag ngayon. Ilan sa mga dahilan ng mas mababang confidence index ay ang karaniwang pagbagal ng kalakal matapos ang Kapaskuhan, pagbaba ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan, pagkabahala sa magaganap sa pandaigdigang ekonomiya sa patuloy na pagbabagong nagaganap sa Tsina, pagbabantay ng mga mangangalakal sa kalalabasan ng halalan sa Mayo, masamang epekto ng El Niño sa ani ng mga sakahan at sa kalakal, mabigat ng kompetisyon at ang mabuway na stock market.