Shanghai, Tsina--Nilagdaan nitong Sabado, Pebrero 27, 2016 ang Kasunduan at Memorandum of Understanding (MOU) hinggil sa Punong-himpilan ng BRICS New Development Bank.
Ang nasabing bangko ay itinatag ng Brazil, Rusya, India, China at South Africa (BRICS) noong Hulyo, 2015.
Itinatadhana ng nabanggit na mga dokumento ang pagbubukas ng punong-himpilan ng bangko sa Shanghai, Tsina, kasama na ang immunities at pribilehiyo para sa bangko.
Idinaos ang seremonya ng paglagda sa sidelines ng G20 Finance Ministers and Central Bank Governors Meeting sa Shanghai.
Si Chinese Foreign Minister Wang Yi sa preskon pagkaraan ng seremonya ng paglagda ng mga dokumento ng BRICS New Development Bank noong Feb. 27, 2016. (Xinhua/Fang Zhe)