|
||||||||
|
||
Idinaos nito'y nagdaang linggo Pebrero 28,2016, sa Seoul ang pag-uusap nina Wu Dawei, Puno ng Delegasyon ng Tsina sa Six Party Talks at Hwang Joon-kook, Puno ng Delegasyon ng Timog Korea sa Six Party Talks. Sinang-ayunan nila ang pagkatig sa mga resolusyon ng United Nations Security Council (UNSC) tungkol sa nuclear at missile test ng Hilagang Korea.
Wu Dawei
Sinabi ni Wu na dapat magkakasamang magsikap ang iba't ibang may kinalamang panig para pangangalagan ang kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula.
Sinabi naman ni Hwang Joon-kook na natamo ng dalawang panig ang komong palagay hinggil sa pagsasagawa ng mga may kinalamang resolusyon ng UNSC para mapasulong ang pagtatakwil sa paggamit ng sandatang nuklear ng H.Korea. Binigyan-diin niyang patuloy na pahihigpitin ang kooperasyon at pagpapalitan ng T.Korea at Tsina.
Bukod dito, sinabi ni Hwang na hindi pa napag-uusapan ang paglalagay ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) sa T.Korea ng Hukbong Amerikano.
salin:wle
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |