Idinaos kamakailan sa Timog Korea ang ika-7 Mataas na Estratehikong Diyalogo ng Tsina at Timog Korea. Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, Pebrero 16, 2016 ni Zhang Yesui, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina na suportado ng Tsina ang walang sandatang nuklear sa Peninsula ng Korea, pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng peninsula, at paglutas sa mga alitan sa pamamagitan ng mapayapang diyalogo. Hindi aniya mababago ng Tsina ang paninindigang ito. Ipinahayag ni Zhang ang pag-asang pagtitibayin ng UN Security Council ang bagong resolusyon sa lalong madaling panahon para maayos na lutasin ang isyung nuklear sa Peninsula ng Korea. Aniya, ang pagpapataw ng sangsyon ay para malutas ang mga problema.
Sinabi rin ni Zhang na tinututulan ng Tsina ang pagtatalaga sa Timog Korea ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD), advanced US missile defense system. Ito aniya'y makakasama sa estratehikong seguridad ng Tsina at mga iba pang bansa ng rehiyong ito.