Ayon sa Xinhua News Agency, bilang tugon sa paglagda ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos sa bagong mosyon ng sangsyon laban sa Hilagang Korea, ipinahayag kahapon, Pebrero 19, 2016, ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang anumang mainit na isyu ay imposibleng pundamental na malutas sa pamamagitan ng pagpataw ng presyur o sangsyon lamang. Hinimok aniya ng panig Tsino ang mga may-kinalamang panig na magtimpi at huwag lumikha ng kaguluhan.
Noong Pebrero 18, 2016, nilagdaan ni Obama ang bagong mosyon ng sangsyon laban sa Hilagang Korea. Ang mga sangsyon ay kinabibilangan ng pag-freeze sa ari-arian ng mga tauhang kalahok sa proyektong nuklear ng Hilagang Korea.
Dagdag pa ni Hong, sa kasalukuyan, masalimuot at sensitibo ang situwasyon ng Korean Peninsula. Dapat aniyang panatilihin ng iba't-ibang panig ang pagtitimpi, at dapat igiit ang diyalogo at pagsasanggunian para malutas ang isyung nuklear ng Korean Peninsula.
Salin: Li Feng