Sa kanyang pakikipag-usap kahapon, Pebrero 29, 2016 sa Beijing kay Jacob J. Lew, Treasury Secretary ng Amerika, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyong Sino-Amerikano at pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan. Umaasa aniya siyang magsisikap ang Tsina, kasama ng Amerika, para marating ang bilateral investment agreement na may mutuwal na kapakinabangan.
Nang mabanggit ang isyung pangkabuhayan ng Tsina, tinukoy ni Li na magpopokus ang pamahalaang Tsino sa pagpapasulong ng reporma ng imprastrukturang pangkabuhayan, pagpapalakas ng sigla ng pamilihan at inobasyong panlipunan, ibayo pang pagpapalawak ng market access, at ibayo pang pagkokompleto sa mekanismo ng pagkakapantay-pantay ng kompetisyon ng pamilihan. Inulit din ni Li na pangangalagaan ng Tsina ang matatag na exchange rate ng RMB, na angkop sa aktuwal na kalagayan ng bansa at pangangailangan ng pamilihan.
Ipinahayag naman ni Jacob J. Lew na positibo ang komunidad ng daigdig sa isinasagawang patakaran at hakbang ng Tsina bilang tugon sa exchange rate ng RMB at reporma ng imprastrukturang pangkabuhayan. Nakahanda aniya ang Amerika na magsikap, kasama ng Tsina para pahigpitin ang pagpapalitan ng dalawang panig, idaos ang kanilang bagong round ng estratehikong diyalogong pangkakabuhayan, at pasulungin ang talastasan hinggil sa kasunduang pampamumuhunan nito.