|
||||||||
|
||
Natapos nitong Huwebes, Pebrero 25, 2016, ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina ang kanyang biyahe sa Estados Unidos.
Layon ng biyahe na panatilihin ang matibagy na pag-unlad ng ugnayang Sino-Amerikano, batay sa pananaw at talino, sa kabila ng kanilang pagkakaiba sa mga takdang isyu na gaya ng isyu ng South China Sea.
Sa magkakahiwalay na oksyon, kinatagpo si Wang ng lideratong Amerikano na gaya nina Pangulong Barack Obama, Kalihim ng Estado John Kerry, Tagapayo sa Pambansang Seguridad Susan Rice at mga lider ng Kongreso sa mga Suliraning Panlabas.
Sumang-ayon ang mga opisyal Tsino at Amerikano na ipagpapatuloy ang kanilang komunikasyon at koordinasyon sa mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan at ikinababahala. Sinang-ayunan din nilang ang malakas na relasyong Sino-Amerikano ay makakabuti sa interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at makakabuti rin ito sa buong daigdig. Ipinangako rin nilang panatilihin ang katatagan ng South China Sea at lutasin ang mga may kinalamang isyu sa pamamagitan ng diyalogo.
Si Chinese Foreign Minister Wang Yi habang nagsasalita sa diskusyon hinggil sa Chinese foreign policy at China-U.S. Relations sa Center for Strategic and International Studies(CSIS) sa Washington D.C., United States, Feb. 25, 2016. (Xinhua/Bao Dandan)
Si Chinese Foreign Minister Wang Yi habang sumasagot sa mga tanong sa diskusyon hinggil sa Chinese foreign policy at China-U.S. Relations sa Center for Strategic and International Studies(CSIS) sa Washington D.C., United States, Feb. 25, 2016. (CRI/Zhang Xu)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |