"Ayon sa China Railway Corporation, bahay-kalakal na Tsino na kalahok sa konstruksyon ng Jakarta-Bandung High-speed Railway ng Indonesya, hindi totoo ang ulat na nagsasabing naihinto ang proyektong ito, dahil wala pang permisyon."
Ito ang sinabi ngayong araw, Biyernes, ika-29 ng Enero 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Sinabi rin ni Hua na sa kasalukuyan, maalwang isinasagawa ang iba't ibang gawain ng naturang proyekto, na lubos na pinahahalagahan ng mga pamahalaan at bahay-kalakal ng Tsina at Indonesya. Dagdag niya, ang proyektong ito ay magandang bagay na magdudulot ng benepisyo sa mga mamamayan ng Indonesya, at maganda ring pagkakataon, para pasulungin ang kooperasyon ng Tsina at Indonesya.
Salin: Liu Kai