Ayon sa Xinhua News Agency, nagbabala ngayong araw, Pebrero 16, 2016, si Pangulong Park Geun-hye ng Timog Korea na kung ipagpapatuloy ng Hilagang Korea ang planong nuklear, pabibilisin nito ang pagbagsak ng rehimen. Sinabi rin ni Park na isasagawa ng Pamahalaang Timog Koreano ang mas malakas at mas epektibong hakbangin para pilitin ang pagbabago ng Hilagang Korea.
Winika ito ni Pangulong Park sa Pambansang Asemblea tungkol sa isyu ng Hilagang Korea. Sinabi ng Pangulong Timog Koreano na sa kabila ng paulit-ulit na pagtutol at pagbabala ng komunidad ng daigdig at Timog Korea, isinagawa ng Hilagang Korea ang ika-4 na nuclear test, at inilunsad din nito ang ballistic missile. Ito aniya ay labis na probokasyon sa mithiin ng kapayapaan ng komunidad ng daigdig.
Dagdag pa niya, upang pigilin ang kakayahan ng Hilagang Korea sa paggagalugad sa sandatang nuklear at missiles, dapat putulin ang pagpasok ng pondong dayuhan sa nasabing bansa.
Salin: Li Feng