Idinaos kahapon sa Singapore City ang pagtitipon bilang paggunita sa mga Singaporean na nasawi noong mapanalakay na paghahari ng tropang Hapones. Dumalo sa nasabing pagtitipon ang mahigit isang libong kinatawan mula sa ibat-ibang sektor, na gaya ng opisyal ng pamahalaan ng Singapore, diplomata ng ibat-ibang bansa, panig militar, organisasyong di-pampamahalaan, at iba pa.
Ayon sa estadistika, mula noong Pebrero, 1942 hanggang Agusto, 1945, di-kukulangin sa 50 libong Singaporean ang pinatay ng tropang Hapones.