Nang sagutin niya ang tanong tungkol sa relasyong Sino-Amerikano, sa preskong idinaos ngayong araw, Marso 8, 2016, ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na bilang dalawang malaking bansa, mayroong kooperasyon at alitan ang Tsina at Amerika, at ito ay posibleng karaniwang kalagayan. Aniya, sa harap ng kalagayang ito, dapat tumpak na pakitunguhan at lutasin ng Tsina at Amerika ang mga problema, at dapat ding palawakin at palalimin ang kanilang kooperasyon. Samantala, dapat din aniyang magsikap para baguhin ang pagkakaiba at alitan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng kooperasyon.
Ani Wang, paulit-ulit na tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang kooperasyong Sino-Amerikano ay nakakabuti, hindi lamang sa dalawang bansa, kundi maging sa buong daigdig. Aniya, ang pagtatatag ng bagong relasyon ng malalaking bansang Tsina at Amerika na walang sagupaan at konprontasyon, at may paggagalangan sa isa't-isa, ay angkop sa komon at panglamayuang kapakanan ng dalawang bansa. Ito rin ay angkop sa tunguhin ng pag-unlad ng buong daigdig, dagdag pa niya.
Binigyang-diin niya na ang Tsina ay hindi Amerika, at imposibleng magiging isa pang Amerika ang Tsina. Walang intensyon ang panig Tsino na halinhan ang pamumuno ng ibang bansa. Iminungkahi niya sa mga kaibigang Amerikano na huwag tayahin ang Tsina sa pamamagitan ng kaisipang Amerikano.
Salin: Li Feng