|
||||||||
|
||
Si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina
Sa preskong idinaos ngayong araw, Marso 8, 2016, ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na ang kasalukuyang taon ay ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN. Aniya, nitong 25 taong nakalipas, nakaranas ang relasyong Sino-ASEAN sa iba't-ibang uri ng pagsubok, at natamo nila ang kapansin-pansing bunga. Sa kasalukuyan, nasa isang bagong starting point ang relasyong Sino-ASEAN, at pag-iibayuhin aniya ng Tsina ang pagsasagawa ng ideya ng diplomasyang pangkapitbansa para maitatag ang mas mahigpit na Community of Common Destiny ng Tsina at ASEAN.
Idinagdag pa ni Wang na nakahanda ang panig Tsino na ituring ang ASEAN bilang preperensyal na partner sa apat na aspektong kinabibilangan ng kooperasyong may kinalaman sa Belt and Road Initiative (pinaikling termino ng land-based Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road), kooperasyon ng malayang kalakalan, kooperasyong subrehiyonal na gaya ng Greater Mekong Subregion (GMS), at kooperasyong pandagat, para maisakatuparan ang win-win situation.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea, sinabi ni Wang Yi na gumagawa ang kanyang bansa ng iba't ibang pagsisikap, para sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea. Aniya, may kakayahan at kompiyansa ang Tsina, na panatilihin, kasama ng mga bansang ASEAN, ang mapayapang pag-unlad ng karagatang ito.
Ani Wang, itinatag ng Tsina ang China-ASEAN Maritime Cooperation Fund, at isinasagawa ang mahigit sa 40 proyektong pangkooperasyon. Aniya, aktibong pinasusulong din ng Tsina ang pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea, at iniharap ang mungkahi hinggil sa pagbuo ng mga hakbangin ng pangangasiwa at pagkontrol sa mga panganib sa dagat.
Kaugnay naman ng isyung nuklear ng Korean Peninsula, sinabi ng Ministrong Panlabas ng Tsina na bilang pirmihang kasaping bansa ng United Nations Security Council, komprehensibo at lubos na ipapatupad ng Tsina ang Resolusyon 2270 hinggil sa Hilagang Korea.
Sinabi rin ni Wang na ang sangsyon ay kinakailangang paraan para sa isyung nuklear ng Korean Peninsula, pero sa kasalukuyan, ang pinakamahalaga ay pagpapanatili ng katatagan, para hindi mawalang-kontrol ang kalagayan sa peninsula.
Dagdag pa ni Wang, ang talastasan ay pundamental na paraan para malutas ang isyung nuklear ng Korean Peninsula. Bukas aniya ang Tsina sa lahat ng mga mungkahi, para pasulungin ang pagbalik ng isyung ito sa talastasan.
Kaugnay ng relasyong Sino-Amerikano, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na bilang dalawang malaking bansa, mayroong kooperasyon at alitan ang Tsina at Amerika, at ito ay posibleng karaniwang kalagayan. Aniya, sa harap ng kalagayang ito, dapat tumpak na pakitunguhan at lutasin ng Tsina at Amerika ang mga problema, at dapat ding palawakin at palalimin ang kanilang kooperasyon. Samantala, dapat din aniyang magsikap para baguhin ang pagkakaiba at alitan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng kooperasyon.
Ani Wang, paulit-ulit na tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang kooperasyong Sino-Amerikano ay nakakabuti, hindi lamang sa dalawang bansa, kundi maging sa buong daigdig. Aniya, ang pagtatatag ng bagong relasyon ng malalaking bansang Tsina at Amerika na walang sagupaan at konprontasyon, at may paggagalangan sa isa't-isa, ay angkop sa komon at panglamayuang kapakanan ng dalawang bansa. Ito rin ay angkop sa tunguhin ng pag-unlad ng buong daigdig, dagdag pa niya.
Binigyang-diin niya na ang Tsina ay hindi Amerika, at imposibleng magiging isa pang Amerika ang Tsina. Walang intensyon ang panig Tsino na halinhan ang pamumuno ng ibang bansa. Iminungkahi niya sa mga kaibigang Amerikano na huwag tayahin ang Tsina sa pamamagitan ng kaisipang Amerikano.
Tungkol sa isyu ng Gitnang Silangan, sinabi ni Wang na sa mga suliranin ng Gitnang Silangan, puspusang pinapayuhan at pinasusulong ng Tsina ang mga may-kinalamang panig sa pagsasagawa ng talastasan sa obdiyektibo at pantay na atityud. Aniya, pawang winiwelkam at inaasahan ng iba't-ibang bansa sa Gitnang Silangan ang pagpapatingkad ng Tsina ng mas malaking papel sa naturang rehiyon.
Sinabi ni Wang na palagiang kinakatigan ng Tsina ang pagsasarili at liberasyon ng nasyon ng mga bansang Arabe. Aniya, nagiging mas mahigpit ang ugnayang pangkabuhayan at pangkalakalan sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa rehiyong ito. Aktibo ring nagsisikap ang Tsina para sa pagpapanumbalik ng kapayapaan at katatagan sa Gitnang Silangan, dagdag pa niya.
Aniya pa, noong unang dako ng kasalukuyang taon, isinagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang matagumpay na biyaheng historikal sa Saudi Arabia, Ehipto, at Iran. Ito aniya ay nagpasimula ng bagong yugto ng relasyon ng Tsina at Gitnang Silangan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |