Sa preskong idinaos ngayong araw, Marso 8, 2016, ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na lipos ang kompiyansa ng Tsina sa relasyon ng Tsina at Myanmar, at kinabukasan ng Myanmar sa hinaharap.
Sinabi ni Wang na ang pagkakaibigan ng Tsina at Myanmar ay nasa mga puso ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at ito ay may napakalakas na bitalidad. Aniya, hindi ito nagbabago sa gitna ng pagbabago ng situwasyong panloob ng naturang bansa.
Dagdag pa niya, palagian ang pagpapalitang pangkaibigan sa pagitan ng National League for Democracy (NLD) na pinamumunuan ni Aung San Suu Kyi at Tsina, at lalong lumalakas ang kanilang pag-uunawaan at pagtitiwalaan.
Salin: Li Feng