Sinagot ngayong araw, Miyerkules, ika-9 ng Marso 2016, ni Gao Hucheng, Ministro ng Kalakalan ng Tsina, ang tanong ng mamamahayag kung bakit sa government work report, walang konkretong bilang ng target hinggil sa pag-aangkat at pagluluwas ng bansa sa taong ito.
Sinabi ni Gao na ito ay angkop sa aktuwal na kalagayan na di-matataya ang mga panganib at elementong kawalang-katatagan sa kalakalang pandaigdig sa taong ito. Pero, ipinahayag niya ang kompiyansa sa matatag at mabuting tunguhin ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina sa taong ito.
Salin: Liu Kai