Sa idinaraos na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, ginawa ngayong araw, Miyerkules, ika-9 ng Marso 2016, ni Tagapangulo Zhang Dejiang ng Pirmihang Lupon ng NPC ang ulat hinggil sa mga gawain ng pirmihang lupon.
Ginawa ni Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng NPC ang ulat hinggil sa mga gawain ng pirmihang lupon.
Sinabi ni Zhang na noong isang taon, binalangkas ng pirmihang lupon ang 5 batas, sinusugan ang 37 batas, at sinuri ang pagpapatupad ng 6 na batas. Kabilang dito, ang batas sa pambansang seguridad at batas sa paglaban sa terorismo ay mahalaga sa larangang panseguridad, at ang mga batas sa kaligtasan ng pagkain, pagpigil sa polusyon sa hangin, at pagpaplano ng pamilya ay sumagot sa mga mainit na isyu ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Pinagdarausan ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina
Sinabi rin ni Zhang na sa bagong taong ito, ibayo pang pabubutihin ng pirmihang lupon ang gawain ng lehislasyon. Aniya, buong taimtim na isasagawa ang sinusugang batas sa lehislasyon, at binagong plano ng lehislasyon. Binigyang-diin niyang ang target ng pirmihang lupon ay, sa pamamagitan ng mabuting lehislasyon, ibayo pang pasulungin ang kabuhayan at lipunan, at igarantiya ang magandang pangangasiwa sa bansa.
Salin: Liu Kai