|
||||||||
|
||
Sa kanilang pag-uusap sa telepono nitong Linggo, Marso 6, 2016, kapuwa ipinahayag nina Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, at John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos ang positibong pagtasa sa "tunay na progreso" ng tigil-putukan sa Syria.
Ang pamahalaan ng Syria at mga armadong grupong kontra-goberno ay nagsimula nang magkaroon ng makasaysayang tigil-putukan noong ika-27 ng Pebrero, 2016. Sa kabila ng ilang karahasan, nananangan sa kabuuan ang mga may kinalamang panig sa kasunduan ng tigil-putukang ito.
Ang nasabing tigil-putukan ay kauna-unahang natupad nitong limang taong nakalipas, sapul nang maganap ang Syrian crisis.
Mahigit 250,000 mamamayang Syrian ang namatay nitong limang taong nakalipas at halos kalahati ng 23 milyong populasyon ng bansa ay sapilitang lumikas ng matitirhan.
Upang matapos ang Syrian crisis sa paraang diplomatiko, sa pagtataguyod ng United Nations, isang pag-uusap sa pagitan ng iba't ibang panig ng Syria ang nakatakdang idaos sa Marso 9.
Dalawang Syrian ang naglalakad sa Mazeh-86 Area sa Damascus, kabisera ng Syria. Larawang kinunan noong March 5, 2016. (Xinhua/Ammar)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |