Ipinahayag kamakailan ni Aye Kyu, Editor in Chief ng D-Wave, opisyal na pahayagan ng The National League for Democracy(NLD)na nananalig siyang sa ilalim ng pamumuno ng NLD, ang relasyon ng Tsina at bagong pamahalaan ng Myanmar ay tiyak na magiging mas mabuti.
Sinabi ni Aye Kyu na sa kasalukuyan, ang Myanmar ay nasa yugto ng pagbabago ng rehimen. Opisyal na itatag ang bagong pamahalaan ng Myanmar sa unang araw ng susunod na buwan. Ipinalalagay niyang sa hinaharap, tiyak na magiging mas mabuti ang relasyon ng Tsina at Myanmar sa mga larangang tulad ng pulitika, kabuhayan, kaligtasan sa hanggahan at iba pa.
Salin:Sarah