|
||||||||
|
||
BUMABA ang exports ng Pilipinas ng may 3.9% noong Enero ng taong ito sa pagkakaroon na mas mababang kita mula sa major commodity groups ayon sa National Economic and Development Authority.
Ayon sa Philippine Statistics Authority bumaba ang merchandize exports mula sa US$ 4.4 bilyon noong Enero ng 2015 at natamo ang US$ 4.2 bilyon.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Emmanuel F. Esguerra, mahirap ang taong 2016 sa larangan ng exports dahil sa hindi pa pagbawi ng maraming mga bansa at mabagal ang pangangailangan sa mga gawang kagamitan sa Pilipinas at mas mababang presyo sa pandaigdigang pamilihan.
Nagkaroon ng negative growth ang mga bansa sa Silangan at Timog – Silangang Asia noong Enero ng taong ito. Ang Vietnam ang may pinakamaliit na pagbaba samantalng lubhang apektado ang Singapore.
Ang export ng manufactured goods ay bumaba ng 2.2% at umabot lamang sa US$ 3.7 bilyon noong Enero ng taong ito.
Bumaba rin ang exports ng agro-based products ng may 7.6% at umabot lamang sa US$289.1 milyon sa pagbaba ng kita mula sa niyog at fish products.
Idinagdag pa ni Secretary Esguerra na apektado rin ang mga produkto mula sa mga sakahan ng matinding init ng panahon. Mababa rin ang bilang ng isdang nadarakip ng mga mangingisda sa Southern Mindanao.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |