Kahapon, Marso 9, 2016, nagpapatuloy sa Beijing ang Ika-4 na taunang pulong ng Ika-12 NPC at CPPCC. Nang araw ring iyon, sumapi sina Premyer Li Keqiang at Liu Yunshan, Miyembro ng Standing Committee of the Political Bureau of the Central Committee of the Communist Party ng Tsina, sa talakayan ng mga mambabatas.
Sa delegasyon ng lalawigang Guangdong, ipinahayag ni Premyer Li ang pag-asang ipagpapatuloy ng Guangdong ang papel bilang tagapagpasulong ng reporma at pagbubukas sa labas ng bansa, sa harap ng di-magandang kalagayang pangkabuhayan ng buong mundo. Umaasa aniya si Li na magbibigay ang Guangdong ng mas maraming puwersa para pasulungin ang supply-side structural reforms, mass entrepreneurship at inobasyon.
Ipinahayag din ni Li ang pag-asang bibigyan ng Guangdong ng mas maraming suporta ang mga umuusbong na industriya at ekonomiya, sa pamamagitan ng mga bago at maunlad na siyensiya at teknolohiya.
Sa delegasyon namang Hainan, ipinahayag ni Liu Yunshan ang pag-asang mapapasulong ng mga mambabatas ang socialist core values, traditional Chinese virtues, at green at carbon-efficient lifestyles.