Idinaos ngayong umaga, Marso 13, 2016, ang ika-3 pulong ng sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina para pakinggan ang mga work report ng Supreme People's Court (SPC) at Supreme People's Procuratorate (SPP).
Sinabi ni Zhou Qiang, Punong Hukom ng SPC, na noong taong 2015, nilitis ng SPC ang 15,985 kaso at hinatulan ang 14,135 sa mga ito.
Bukod dito, itinakda rin ng SPC ang tadhana ng pagbibigay ng kompensasyon sa mga biktima na tumanggap ng maling paghatol.
Sinabi ni Cao Jianming, Prokurador Heneral ng SPP, na noong taong 2015, pinagtibay ng mga procuratorate ng Tsina ang pag-aresto sa 873,148 suspek ng mga kasong krimen, lalo na sa iligal na pangangalap ng mga pondo sa pamamagitan ng internet.