|
||||||||
|
||
Inilabas nitong Linggo, Marso 13, 2016, ng China Central Television (CCTV) ang dokumentaryong nagsasaad hinggil sa double standards ng Estados Unidos sa karapatang pantao.
Batay sa ekstensibong media reports sa loob at labas ng Amerika, at panayam sa mga dalubhasa sa karapatang pantao mula sa Amerika, Tsina, Pransya, Kanada, Rusya at Switzerland, ang 45 minutong TV program ay nagpapakita ng pagyurak ng pamahalaang Amerikano sa karapatang pantao ng mga mamamayan ng Amerika at ibang bansa.
Ayon sa dokumentaryo, noong 2015, mahigit 560,000 mamamayang Amerikano ang nawalan ng tahanan at 25% ng mga ito ay mga menor de edad. Sa Lowell Correctional Institution, pangunahing bilangguang pambabae ng Amerika kung saan nakabilanggo ang 2696 na kriminal may mga naiulat na nangyaring katiwalian at pang-aabuso; samantalang ang mga career women ay naiulat ding nakaranas ng diskriminasyon at sexual harassment sa trabaho.
Ayon din sa dokumentaryo, bilang nag-iisang bansa sa buong mundo na hindi pa pinagtibay ang UN Convention on the Rights of the Child, sa lahat ng mga teenager na Amerikano na 15 taong gulang at pataas na namamay sa pagkasugat, 15% sa mga ito ay dahil sa pamamaril.
Mapapanood din sa dokumentaryo ang pinsala ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa privacy ng mga mamamayang Amerikano sa pamamagitan ng online surveillance at ang pagkamatay ng mga sibilyan sa Pakistan, Yemen at iba pang bansa dahil sa mga drone attack ng Amerika.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |