|
||||||||
|
||
Huwebes, ika-10 ng Marso 2016, ipinahayag ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia, na ipinadala na sa bansa ang pinaghihinalaang labi ng Flight MH370 ng Malaysia Airlines na natuklasan sa Mozambique. Aniya, tatanggapin nito ang inisyal na pagsisiyasat at pag-aanalisa sa Malaysia, at ipapadala sa Australia para sa ibayo pang pagsisiyasat.
Kaugnay ng isa pang pinaghihinalaang labi na natuklasan kamakailan sa Reunion Island, sinabi niyang ipinadala na ng panig Malay ang grupo ng mga dalubhasa sa nasabing isla para sa pagsisiyasat.
Ang Boeing 777-200 aircraft ng Malaysia Airlines ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng hatinggabi noong ika-8 ng Marso (Beijing/Manila time), 2014. Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga nang araw ring iyon. Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan ito ng kontak sa air traffic control, habang lumilipad sa Ho Chi Minh City, Biyetnam.
Isang daa't limampu't apat (154) sa dalawang daa't tatlumpu't siyam (239) na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga Tsino.
Noong ika-29 ng Enero 2015, sinabi ng panig Malay na ang pagkawala ng flight MH370 ay aksidente, at tinasang nasawi ang lahat ng lulan ng eroplano.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |